Na-repatriate na o nakauwi na ngayong araw sa Pilipinas ang Pilipinong kapitan at iba pang 13 tripulante ng barkong tinamaan ng Russian missile sa Black Sea.
Ilan sa kanila ay nagtamo ng minor injuries kabilang si Arnel Lopez na kapitan ng barko nasa tabi ng pilotong Ukrainian national na nasawi sa pagtama ng missile.
Ikwinento rin ng piloto ang kanilang takot nang mangyari sa insidente kung saan nagtamo ito ng sugat sa mukha dahil sa mga tumilansik na nabasag na bubog at bahagyang nakarnas ng pagkabingi sa lakas ng missile na tumama sa kanilang barko.
Nanawagan din ito ng tulong sa pamahalaan dahil marami aniya sa kanilang ang under contract pa at upang maiwasang bumiyahe ang mga papasok pa lamang na seaferer sa mga war zon area.
Sinablubong naman ang mga dumating na Pilipinong seaferers ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration at nakatanggap ang mga ito ng tulong pinansiyal.