BUTUAN CITY – Patuloy pang kinumpirma ng Philippine Embassy ang impormasyong may isang Filipino umanong kasama sa nadukot ng mga militanteng Hamas sa kanilang pag-atake sa Israel.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo International Correspondent Carolina De Guzman direkta mula sa Israel na iniulat ng isang radio station na kasama ang isang Filipino sa mga bata at matatandang dinukot ng Hamas at dinala sa Gaza City.
Saysay pa ni De Guzman, ikinagulat nila ang umaalingawngaw na siren kung kaya’t kaagad silang nagtago sa bomb shelter hanggang sa nalaman na lang nilang nakapasok na umano sa Israel ang mga militanteng Hamas.
Kahit malayo ang kanilang lugar sa inatake ng Hamas, alerto pa rin sila dahil kahit saan umano tumatama ang bomba.