-- Advertisements --
WHO data COVID 19

Nagtala ng dalawang panibagong kaso ng Coronavirus Disease ang United Arab Emirates (UAE).

Isa sa mga ito ay ang 34-anyos na Filipino habang ang isa ay 39-anyos na Bangladeshi national na nakasalamuha ng isang Chinese national na nadapuan ng nasabing virus.

Ayon sa health ministry, nasa mabuting kalagayan na ang dalawa.

Sa kabuuan ay mayroon ng 11 kaso ang naitala sa Dubai, UAE.

Unang naitala ng UAE ang kaso ng coronavirus noong Enero 28 kung saan apat na miyembro ng Chinese family ang nakitaan ng sintomas.

Samantala sa lumabas na data ang bilang ng mga infected worldwide ay mahigit na sa 76,600 habang nasa 2,200 na ang nasawi.

Umaabot sa 11 mga namatay na pasyente ay sa labas ng mainland China.