Pumanaw na ang dating national team boxer na si Genebert Basadre sa edad 35.
Ayon sa kampo nito na nawalan ng malay si Basadre sa knaiyang bahay sa Cagayan de Oro noong Lunes at dinala sa Polymedic Plaza Hospital.
Na-revived pa ito subalit na-comatose siya bago pumanaw nitong Linggo.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Association of Boxing Alliance in the Philippines.
Naging gold medal winner sa 2005 Southeast Asian Games si Basadre at Bronze medal noong 2006 Asian Games sa Doha.
Nagwagi siya ng silver medals sa 2009 Kings Cup sa Thailand at 2006 Tammer Cup sa Finland.
Nakamit nito ang bronze medals sa World ranking competitions sa Seville, Sociko at Athens mula 2002 hanggang 2003.
Umalis siya sa national team noong 2010 at itinuloy ang career sa pagiging sundalo.