-- Advertisements --
image 2

Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa selebrasyon ng Philippine Nursing Association 100th Foundation Anniversary at 56th Nursing Week sa lungsod ng Maynila.

Sa kanyang pananalita, tinawag ng Pangulo ang mga nurse bilang mga bayani na aniya’y nagpaganda sa pangalan ng pilipinas sa buong mundo dahil sa kanilang serbisyo lalo na noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Taos puso ding nagpasalamat ang pangulo sa mga nurse na aniya’y may malaking papel kaya sya nakarecover nang tamaan ng malalang COVID-19 noong Marso 2020.

Binigyang diin ng pangulo na dahil sa sakripsiyo ng mga nurse sa gitna ng panganib ay naka survive ang bansa sa hamon ng pandemya.

Tiniyak ng pangulo na itutuloy ang pagbibigay ng benepisyo na nararapat para sa health workers.

Sa katunayan kabuuang P25.82 billion na aniya ang nailabas na pondo para sa hazard duty pay, COVID-19 death and sickness compensation, meals accomodation and transportation allowances, life insurance, special risk allowance at One COVID-19 allowance ng mga health workers.

Naniniwala ang pangulo na kulang pa ang mga nasabing benepisyo kaya kanyang tiniyak na maghahanap sya ng maraming paraan para maipakita at maiparamdam ang pasasalamat ng sambayanan sa ating health workers.

Tiniyak ng pangulo na bukas ang kaniyang tanaggapan para makipag diyalogo sa mga isyung kinakaharap ng mga nurse at allied health professions.

Nais din ng presidente na maging batas na ang Philippine Nursing Practices Act.

Kabilang sa mga tutugunan ng pamahalaan ay ang disparity ng sweldo ng nurse sa public at private hospitals gayundin ang hindi patas na distribusyon ng nurses sa ibat ibang lugar sa bansa.