-- Advertisements --

ILOILO CITY – Todo handa ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo upang depensahan ang kanyang titulo sa floor exercise sa Sabado sa nagpapatuloy na 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kitakyushu, Japan.

Una nang nanguna si Yulo sa floor exercise kung saan tinalo ang pambato ng Japan at Kazhakstan.

Ayon kay Bombo International Correspondent Josel Palma, direkta sa Japan, maliban sa floor exercise, naghahanda rin si Yulo para sa parralel bars at vault na gaganapin sa Linggo.

Matandaan na pinataob ng 21-year-old ang pambato ng China sa qualification phase ng parallel bars sa nasabing torneo.