Ibinulsa ni Filipino pole vaulter ar Olympian EJ Obiena ang gintong medalya sa 6th Irena Szewinska Memorial in Bydgoszcz, Poland.
Nagawa ni Obiena na abutin ang 5.97 meters na siya nang season-best ng Pinoy vaulter.
Si Obiena ay kasalukuyang world No. 3 at nagawa niyang talunin ang ilang magagaling na pole vaulter na kinabibilangan nina Greek athlete Emmanouil Karalis, na umabot sa 5.92 meters(2nd – silver), at ang 3rd placer na si Piotr Lisek na lumundag ng 5.75 meters. Si Lisek ay ang pambato ng Poland kung saan isinagawa ang turneyo.
Samantala, ang susunod na laban ni Obiena ay nakatakda sa June 23 para sa Czesław Cybulski Memorial na gaganapin sa Poznan, Poland.
Una nang sinabi ni Obiena na tatapusin muna niya ang mga nakatakdang laban sa ibat ibang bahagi ng bansa, bago ang tuluyang pagpapahinga at pagsisimula sa kanyang mahaba-habang training para sa Paris 2024 Olympics
Nakatakda ang Paris Olympics mula July 26 to August 11.