-- Advertisements --
May gold medal ng naiuwi ang Pilipinas sa 2021 Asia Youth Para Games na ginaganap sa Manama, Bahrain.
Nakamit kasi ni para swimmer Ariel Alegarbes ang gold medal ng manguna sa men’s 17 to 18 years old 100m butterfly S14 sa oras ng 1.96 seconds.
Pumangalawa naman si Rai Kagose ng Japan na sinundan ni In-Choo ng Thailand.
Mayroong kabuuang 32 bansa ang kasali sa nasabing torneo na pormal na nagbukas noong Disymebre 2.
Taong 2013 ng huling makakuha ng gold medal ang bansa sa nasabing torneo sa pamamagitan ni long jumper Jomer Anden.