-- Advertisements --

Bigo ang Pinoy paralympic swimmer na si Gary Bejino na umabanse sa sa finals sa men’s 200m Individual Medley sa paralympic games na ginaganap sa Tokyo, Japan.

gary 2

Sa kanyang paglahok kanina pumuwesto siya sa ika-17 bilang pinakahuli sa mga sumabak sa 200 meters medley.

Nanguna bilang may pinakamabilis na paglangoy ang pambato ng Colombia.

Sa kabila nito hindi pa rin naman tapos ang paralympics journey ni Bejino dahil sasabak pa ito sa Men’s 50m butterfly, Men’s 400m freestyle at sa Men’s 100m backstroke.

Ang 25-anyos na si Bejino ay isang amputee kong saan dahil sa aksidente noong pitong taong gulang ito, naputol ang kanyang kanang braso at kaliwang paa.