Natapos na ang kampanya sa Paralympics ni Para swimmer Ernie Gawilan.
Iot ay dahil sa umabot lamang siya sa pang-anim na puwesto sa men’s 400 meters freestyle S7 Final.
Mayroon itong kabuuang oras na naitala na 5:03:18 para sa huling karera sa ikatlong sunod na laban.
Nagwagi naman ng gintong medalya si Federico Bicelli ng Italy na nagtala ng oras na 4:38.70 habang silver medal naman ang nakuha ni Andrii Trusov ng Ukraine at bronze medal naman ang naitala ni Inaki Basiloff ng Argentina.
Ang nasabing mga tatlong medalist ay nagtala ng mas mabagal na oras kaysa kay Gawilan sa heats.
Tila naulit ang puwesto ng Davao City pride dahil noong nakaraang Tokyo Paralympics ay nasa pang-anim na puwesto rin siya.
Magugunitang bigo ring makapasok sa finals ng men’s 200 meters individual medley SM7 si Gawilan noong araw ng Linggo.