-- Advertisements --

Eksaktong isang linggo mula ngayon, magsisimula nang magpakitang gilas ang walong mga Pinoy players sa professional baskeball league sa bansang Japan.

thirdy
Thirdy Ravena

Una nang kinuha ng mga team sa Japan ang ilang mga upcoming superstars ng Philippine basketball kaugnay sa pagbubukas ng 2021-22 B.League season bilang bahagi ng “Asian Players Quotas.”

Kung maalala noon pang nakaraang taon ang UAAP superstar na si Thirdy Ravena ang unang kinuha na Pinoy player sa Japan ng koponan na San-En NeoPhoenix.

Nitong taon naman ang PBA player na si Bobby Ray Parks ay kinuha ng Nagoya Diamond Dolphins at si Kiefer Ravena na kapatid ni Thirdy ay napunta naman sa Shiga Lakestars.

Ang iba pang UAAP standouts na si Kobe Paras ay ginawang import ng Niigata Albirex BB team, si Juan Gomez de Liano ay napunta sa Earthfriends Tokyo Z, ang koponan naman na Ibaraki Robots ay pinapirma si Javi Gomez de Liano gayundin si Kemark Carino patungo naman sa Japanese team na Aomori Wats.

keifer
Kiefer Ravena

Una nang lumutang na mas malaki raw ang pasweldo ng professional team sa Japan kumpara sa PBA sa Pilipinas.

Sa darating na Oct. 2 ang simula na ng bagong season ng B.League.