Gagawaran ng pamahalaang lungsod ng Manila ang World No. 2 pole vaulter na si EJ Obiena ng P500,000 cash reward.
Ito ay bilang pasasalamat at pagkilala sa kaniyang tiyaga at ipinamalas na natatanging performance sa Paris Olympics na nagtapos sa ikaapat na pwesto sa pole vault finals nitong Martes.
Sa isang statement, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon para sa maraming batang atletang Pilipino ang journey at tagumpay ni EJ.
Pinuri din ng alkalde si Obiena kasama si Golden boy gymnast Carlos Yulo para sa kanilang dedikasyon, disiplina at community sport na source of pride para sa lungsod ng Maynila.
Nauna na ngang inanunsiyo ng Manila government na makakatanggap si Yulo ng P2 million matapos maibulsa ang 2 gintong medalya sa loob ng 2 magkasunod na araw sa gymnastics competition sa Paris Olympics.
Ang 2 Olympians ay kapwa tubong Maynila, si Yulo ay ipinanganak sa Malate habang si Obiena naman ay sa Tondo.