Mariing pinabulaanan ni Filipino pole vaulter EJ Obiena ang alegasyon ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na pamemeke ng mga liquidations na kanilang isinumite.
Ipinapabalik kasi ng PATAFA sa 26-anyos na pole vaulter ang nasa P4.8 miyon na hindi niya ibinayad sa kaniyang coach na si Vitaly Petrov.
Sinabi ni Obiena na bukas ito sa anumang imbestigasyon para malinawan ang nasabing usapin.
Naghain na rin aniya nito ng pormal na reklamo sa Philippine Olympic Committee (POC), International Olympic Committee (IOC) at World Athletics.
Iginiit nito na ang solusyon dito ngayon ay ang buo at pampublikong pag-atras ng imbestigasyon at public apology.
Nanindigan ito na wala siyang dapat itago at mayroong nag-o-audit umano sa mga perang natatanggap niya sa PATAFA.
Hindi rin nito na maiwasan na ibunyag na dahil sa pangyayari ay pinag-iisipan na nito ang magretiro dahil hindi niya makaya na magtrabaho sa ganitong kalagayan.