-- Advertisements --

Nabasag ni Filipno pole vaulter EJ Obiena ang kaniyang sariling record.

Nagananp ito ng makakuha siya ng silver medal sa Irena Szewinska Memorial Cup na ginanap sa Bydgoszcz, Poland.

Nagtala kasi ito ng 5.87 meters na mas nahigitan ang 5.85 meters na kaniyang unang nagawa noong Hunyo 12 sa Germany.

Nagwagi naman sa nabanggit na torneo si Christopher Nielse ng US na mayroong 5.92 meters at nakapag-uwi ng gold medal habang si Piotr Lisek ng Poland ang nagwagi ng bronze medal na mayroong 5.82 meters ang naitala.

Isa is Obiena na pambato ng Pilipinas sasabak sa Tokyo Olympics.