-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong competition record si Filipino pole vaulter EJ Obiena ng magwagi ito ng gold medal sa Asian Athletics Championship sa Bangkok, Thailand.

Nahigitan nito ang kaniyang hawak na record ng makuha ang clearance sa 5.80 meters sa kaniyang unang try.

Hawak kasi ng 27-anyos na pole vaulter ang record na 5.71 meters na kaniyang nagawa noong 2019 edition sa torneo na ginanap sa Doha, Qatar.

Nananatili ang kaniyang personal best sa 6.0 meters na kaniyang nakamit noong Hunyo sa Bergen Jump Challenge.

Sa nasabing torneo ay pumangalawa naman si Hussain Asim Alhizam ng Saudi Arabia na mayroong clearance na 5.56 meters habang si Huang Bokal ng China ay pumangatlo sa event na mayroong 5.51 meters clearance.

Magugunitang pasok na si Obiena sa 2024 Paris Olympics ng makamit nito ang clearance na 5.82 meters sa Bauhaus-Galan sa Sweden.