-- Advertisements --

Umangat ang puwesto ni Filipino pole-vaulter EJ Obiena matapos ang tagumpay nial sa Meeting de Paris Wanda Diamond League noong nakaraang linggo.

Base sa pinakahuling world ranking nasa pang-limang puwesto na ito sa buong mundo.

Nasa unang puwesto naman si Armand Duplantis ng Sweden na sinundan ng mga US pole vaulters na sina Christopher Nilsen sa ikalawang puwesto at Sam Kendricks sa ikatlong puwesto habang nasa pang-apat na puwesto si Renaud Lavillenie ng France.

Magugunitang nakakuha ng silver medal sa nasabing torneo sa Paris si Obiena matapos ang tagumpay nito sa 5.91 meters.

Tinalo din nito sa nasabing torneo sina Nilsen, Kendricks at Lavillenie.