-- Advertisements --
Hindi naging maganda ang resulta ng pagsabak ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa torneo sa Germany.
Nagtapos lamang kasi siya sa pangalawa sa pang-huli sa ISTAFF Indoor na ginanapa sa Dusseldorf, Germany.
Hindi gaya ng mga naunang torneo na sinalihan nitong nagdaang mga araw ay nakakuha siya ng silver at gold medal sa Metz, France.
Nakakuha lamang ang World number 4 na 5.55 meters para sa ikapitong puwesto ng kabuuang walong manlalaro.
Ang nasabing taas na kaniyang naabot ay mas mababa pa sa 5.70 meters na kaniyang naitala sa Metz, France at 5.65m naman sa Cottbus, France.
Tiniyak naman nito na babawi siya gaya ng ginawa noong nakaraang taon para maibalik sa kaniya ang world ranking na number 2.