-- Advertisements --
EJ Obiena
EJ Obiena

Patuloy ang ginagawang pag-iingat ni Filipino pole vaulter EJ Obiena habang ito ay nagsasanay sa Italy sa kalagitnaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Philippine Athletics Track and Field Association head Philip Juico , na mahigpit nilang pinagbibilinan ang 24-anyos na si Obiena na laging mag-ingat.

Dagdag pa nito na nagsasanay pa rin ito sa Formia, Italy .

Kasama niya ang coach nito at mahigpit nilang sinusunod ang panuntunan gaya ng paghuhugas ng kamay ng tubig at sabon.