Inanunsiyo ngayon ng FIBA Basketball World Cup organizers ang pagpili nila sa 56 na mga basketball officials na siyang magrerepire sa prestihiyosong torneyo na gaganapin China.
Ang mga referee ay nagmula sa 40 federations sa limang continental zones sa buong mundo.
Paliwanag ng FIBA, ang mga World Cup referees ay nasa pagitan ang edad na 26 hanggang 49-anyos at merong average na mahigit siyam na taon na eksperyensa.
Kabilang naman ang isang Pinoy referee na pinili ng FIBA sa katauhan ni Ferdinand “Bong” Pascual.
Hindi na rin bago kay Pascual ang mag-referee sa international competitions dahil noong 2014 FIBA World Cup ay napabilang din siya maging sa 2016 Rio Olympics.
Ang 49-anyos na si Pascual ay nag-aral sa University of Baguio kung saan siya ay naging varsity player.
Nag-graduate ito ng commerce hanggang sa naging nursing aide bago naging full-time referee.
Samantala, ang napiling 56 referees ay magkakaroon muna ng five-day Officiating Team Pre-Competition Camp sa Beijing upang plantsahin ang kanilang masusing preparasyon bago ang simula ng FIBA Basketball World Cup sa August 31.
“The Officiating Team brings with them a high level of expertise with all referees having experience in either FIBA Basketball World Cup Qualifiers, FIBA Continental Cups, FIBA Basketball World Cups and/or the Olympic Games. Furthermore, the team also brings experienced referees who have officiated in the NBA,” bahagi ng statement ng FIBA.
Ang host China ay merong dalawang reperi na napili ang FIBA, gayundin naman tig-dalawa mula US, Brazil, Australia, South Korea at iba pa.