Pumanaw na ang tinaguriang guitar genuis at rock legend ng bansa na si Jun Lupito sa edad 64.
Inanunsiyo ng record company na Offshore ang pagpanaw ng nasabing singer.
Nakilala siya sa mga bluesy guitar riffs si Wolfrando Lavalan Jr na anak ng komedyante at orihinal na host ng Tawag ng Tanghalan.
Isa siya mga orihinal na miyembro ng bandang The Jerks noong dekada 70.
Nakasama rin niya ang mga sikat na Joey “Pepe” Smith, Edmund Fortuno at Gary Perez ng bandang Airwaves.
Nakasam rin nitong tumugtog ang bandang Sampaguita, Asin, Pinikpikan, Anakbayan, Grace Nono at ilan pa.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang band member nito ng Jerks na si Chickoy Pura.
Natapos niya ang kaniyang album na “bodhi3NMRK” noong 2020 sa ilalim ng record label ni Ely Buendia na Offshore Music.