-- Advertisements --

Naglabas ng bagong kanta ang tinaguriang Pinoy rock queens na sina Barbie Almalbis, Kitchie Nadal, Aia de Leon, Acel, Lougee Basabas-Alejandro, at Hannah Romawac.

Ang kantang “Talinghaga” ay siyang unang kanta nila bilang isang grupo.

Inilabas ito sa ilalim ng Waterwalk records kung saan ang praise anthems na kanta ay tumatalakay sa indibidwal na karanasan nila at ang paniniwala sa Maykapal.

Sinabi ni Barbie Almabis na matapos ang matagumpay nilang concert ay nag-usap sila na kung maaari ay gumawa sila kanta nila bilang grupo.