-- Advertisements --
Umaabot sa 25 pang mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa mga Pinoy sa abroad.
Iniulat ng DFA na ang mga kumpirmadong kaso ay nagmula sa mga bansa sa Americas, Asia and the Pacific at sa Middles East.
Sa ngayon nasa 10,028 na ang kabuuang kumpirmadong kaso ng mga Filipino sa abroad ang nahawa.
Gayunman sa naturang bilang nasa 3,257 na lamang ang sumasailalalim sa gamutan.
Samantala, nakapagtala din ngayon ang DFA ng 15 panibagong mga nakarekober o nasa kabuuang 6,029 na.
Nananatili naman sa 742 ang death toll sa mga Pinoy na nasa ibang bansa.