KALIBO, Aklan-Mas lalo pang mapalakas ang ekonomoya ng Amerika matapos na inabswelto ng US senate si US President Donald Trump sa dalawang articles of impeachment.
Ayon kay Bombo International Correspondent Josephine Maming Soreño, tubong Brgy. Taba-ao, Banga, Aklan at kasalukuyang naninirahan sa California na tama lamang ang final tally ng botohan na 52-48 pabor kay Trump sa kasong abuse of power, at 53-47 sa obstruction of Congress investigation.
Nais umano ng democrats na mapaalis si Trump upang hindi mabuklat ang kanilang corruption.
May ilang pinoy na hindi nagustuhan si Trump dahil sa anang immigratrion policy na “American First.”
Apektado dito ang maraming pinoy na nagbabalak na i-petisyon ang kanilang mga magulang papuntang US.
Para kay Trump, pabigat lamang ang pagdami ng mga dayuhan sa kanilang bansa.
Nabatid na pahirapan sa ngayon ang paghahanap ng trabaho ng mga immigrants katulad ng mga pinoy gayundin ang mga matatanda na nag-aapply ng free medical na ginagastusan ng gobyerno ng Amerika.