VIGAN CITY – Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang Pinay worker sa Saudi Arabia na sa ngayon ay naka-confine umano sa isang ospital sa nasabing bansa.
Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Lia Grey na head nurse ng isang ospital sa Dammam, Saudi Arabia.
Aniya, nasa maayos na kalagayan na umano ang nasabing Pinay worker ngunit nananatili pa itong naka-confine upang matiyak na makaka-recover ito ng maayos mula sa nasabing sakit
Idinagdag pa nito na dahil sa lumalalang sitwasyon ng COVID- 19 sa nasabing bansa, nagdesisyon ang Saudi government na ipasara muna sa loob ng 16 na araw ang mga business establishments sa buong Saudi ngunit tanging ang mga grocery stores at ospital lamang ang magbubukas para sa publiko.