-- Advertisements --

Looking forward na para sa live performance sa susunod na linggo ang Pinoy na nakabase sa Los Angeles, California, ngayong nakapasok na ito sa Top 24 ng “The Voice” Season 16.

Ayon sa 22-anyos na si Jej Vinson, hindi sapat ang anumang salita para makapagpasalamat ito sa lahat ng mga naniwala sa kanya at excited ito sa mga matututunan pa sa kompetisyon.

“Thank you so much to everyone who supported me so far in this incredible journey. Words can’t even express how grateful I am. @kellyclarkson you’re incredible. Thank you for believing in me. I’m excited to learn more from you. Excited for next week!” ani Vinson sa larawan nito na kayakap ang kanyang coach na si Judge Clarkson.

Nabatid na ang Top 24 result ay base sa pagboto ng American audience.

Una rito, sa Cross Battle Round ay nakipagtalbugan si Vinson sa contender mula sa team ni Adam Levine kung saan inawit nito ang “Versace on the Floor” ni Bruno Mars na umani ng standing ovation mula sa ilang audience at kay Clarkson.

Sakaling magwagi sa huli, mapapanalunan niya ang US$100,000 at isang recording contract mula sa Universal Music Group.

Batay sa impormasyon, si Jej ay nag-migrate sa Amerika kasama ang kanyang mga magulang noong siya ay 15 years old.

Nagsimula itong kumanta sa karaoke pagkatapos mapanood ang mga magulang niya na umaawit sa isang choir.

Unang tumira ang Vinson family sa estado ng South Dakota at noong mag-18-anyos si Jej, sumali ito sa isang a cappella camp sa Los Angeles.

Lumipat ang buong pamilya ni Jej sa California kun saan ito nag-aaral ng music sa University of Southern California at naging music director ito para sa a cappela group ng university.

Nagtrabaho rin umanong part-time sa isang restaurant si Jej habang nag-aaral ito.