Hangad umano ng Pinoy na nakabase sa Los Angeles, California, na makausad muli sa next round ng “The Voice†Season 16.
Ito’y matapos sumabak sa Cross Battle Round kung saan nakipagtalbugan ang 22-anyos na si Jej Vinson sa contender mula sa ibang team.
Ang episode na ito ay unang beses umanong ginawa sa kasaysayan ng nasabing reality singing competition sa Amerika.
Kaugnay nito, inawit ng pambato ng Pilipinas ang “Versace on the Floor†ni Bruno Mars na umani ng standing ovation mula sa ilang audience at mismong kanyang coach na si Judge Kelly Clarkson.
Naka-faceoff naman nito ang contestant mula sa Team Adam Levine.
Samantala, kahit bakas ang kumpiyansa sa kanyang performance ay humihingi pa rin ng tulong si Vinson na siya ay iboto.
“Tonight was crazy amazing! I had so much fun singing on The Voice stage. Thankful for all the incredible support and love from you all. If you haven’t yet, please vote for ya boy to be in the top 24! Vote on NBC.com/voicevote and The Voice app! Much love. 💜” saad nito.
Bukas, Manila time, iaanunsyo ang resulta ng mga makakapasok sa Top 24 sa pamamagitan ng pagboto ng American audience.
Sakaling magwagi sa huli, mapapanalunan niya ang US$100,000 at isang recording contract mula sa Universal Music Group.
Batay sa impormasyon, si Jej ay nag-migrate sa Amerika kasama ang kanyang mga magulang noong siya ay 15 years old.
Nagsimula itong kumanta sa karaoke pagkatapos mapanood ang mga magulang niya na umaawit sa isang choir.
Unang tumira ang Vinson family sa estado ng South Dakota at noong mag-18-anyos si Jej, sumali ito sa isang a cappella camp sa Los Angeles.
Lumipat ang buong pamilya ni Jej sa California kun saan ito nag-aaral ng music sa University of Southern California at naging music director ito para sa a cappela group ng university.
Nagtrabaho rin umanong part-time sa isang restaurant si Jej habang nag-aaral ito.