-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may Pilipinong nag-positibo sa 2019 novel coronavirus (nCOV) sa bansang United Arab Emirates (UAE).
Ayon sa DFA, mismong Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi ang nagpaabot ng impormasyon matapos sabihin ng Emirates Ministry of Health and Prevention (MoHAP).
Na-detect daw ang kaso nito sa pamamagitan ng patuloy na periodic screening alisunod sa standards ng WHO.
Sa ngayon under observation daw ang sitwasyon ng nasabing Pinoy at nabigyan na ng kaukulang medical assistance.
Pinaalalahanan naman ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa buong UAE na sumunod sa hygiene protocol na ng Health Ministry at World Health Organization (WHO).
Sa latest data ng MoHAP, pito na ang kaso ng nCoV sa UAE.