Ipinapasa-Diyos ng Pinoy na nakabase sa Los Angeles, California, ang magiging kapalaran nito sa pag-usad sa next round ng “The Voice†Season 16 matapos makapasa sa blind auditions.
Ayon sa 22-anyos na si Jej Vinson, hindi na siya makapaghintay sa pagpapatuloy ng kanyang “The Voice” journey na kanyang ipinagpapasalamat sa Diyos.
“I just wanna take the time to say thank you to everyone that has been supporting me since Monday. The love you’ve shown hasn’t gone unnoticed and I can’t stop smiling for days now. Last but not the least, I’m so grateful to God for all the blessings. This wouldn’t have been possible without Him. Love u. Can’t wait to see where this journey takes us!” ani Vinson.
Una nang pinili ng nasabing Pinoy na tubong Davao si Kelly Clarkson bilang kanyang coach, kahit pa napaikot niya ang chairs ng apat na mahuhusay na iba pang judge ng naturang reality competition.
Makaka-showdown nito sa Battle Round ang isa pang finalist na kinu-coach ni Clarkson.
Sakaling magwagi, mapapanalunan niya ang US$100,000 at isang recording contract mula sa Universal Music Group.
Batay sa impormasyon, si Jej ay nag-migrate sa Amerika kasama ang kanyang mga magulang noong siya ay 15 years old.
Nagsimula itong kumanta sa karaoke pagkatapos mapanood ang mga magulang niya na umaawit sa isang choir.
Unang tumira ang Vinson family sa estado ng South Dakota at noong mag-18-anyos si Jej, sumali ito sa isang a cappella camp sa Los Angeles.
Lumipat ang buong pamilya ni Jej sa California kun saan ito nag-aaral ng music sa University of Southern California at naging music director ito para sa a cappela group ng university.
Nagtrabaho rin umanong part-time sa isang restaurant si Jej habang nag-aaral ito.