Isang karangalan para kina Shaina Magdayao at Piolo Pascual na bumida sa feature film na “Ang Hupa” na itinampok sa Quinzaine des Réalisateurs, o Directors’ Fortnight.
Ito’y bilang parte ng prestihiyosong Cannes Film Festival na simulang ginanap sa France kahapon at magtatapos sa darating na May 25.
Matapos ang world screening sa nasabing pelikula ay nakatanggap ang cast ng standing ovation galing sa audience.
Kasamang umakyat sa stage ng dalawang bida ang kanilang kapwa stars na sina Pinky Amador at Hazel Orencio upang magbigay ng kani-kanilang pahayag.
Ayon kay Pascual, hindi niya pinalagpas ang pagkakataong makatrabahong uli ang direktor na si Lav Diaz matapos ang tagumpay ng kanilang unang pelikula na pinamagatang “Norte, Hangganan ng Kasaysayan†noong 2013.
Para naman kay Magdayao, malaking karangalan na mapagkatiwalaan ng award-winning filmmaker na maging main star.
Gayunman, no show sa event si Direk Lav dahil sa kanyang naunang work commitment sa Cuba.
Sa 24 na pelikulang napiling ipalabas sa Directors’ Fortnight, kabilang ang “Ang Hupa†sa tatlong entries galing sa Asia kabilang ang “Hatsukoi†(First Love by Takashi Miike) at “Huo Zhe Chang Zhe†(The Live to Sing by Johnny Ma).
Nabatid na “Ang Hupa” ay mahigit apat na oras na Science-fiction movie.
Ang Directors’ Fortnight ay non-competitive film festival kasabay ng Cannes Film Festival.