-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na isang Filipino seafarers ang naiulat na nawawala sa banggaaan ng chemical tanker at container ship sa karagatan ng England.
Ayon sa DMW na ang seafarer ay lulan ng MV Solong ng bumangga ito sa oil tanker na Stena Immaculate nitong Marso 10 sa North Sea.
Huling nakita umano ang seaman sa bow ng barko ang lugar kung saan ito ay nasunog matapos ang pagsabog.
Mayroong sakay na walong Pinoy seafarers ang MV Solong at lahat ay ligtas maliban sa naiulat na nawawala.
Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng DMW sa kumpanya na may-ari ng barko at maging ang pamilya ng naapektuhang seafarers.