-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa mabuting kalagayan ang Filipino seafarer na kabilang sa 23 crew members ng oil tanker na hinuli ng Iran kamakailan.

Ayon sa DFA, sinabi ni Ambassador to Iran Wilfredo C. Santos na nagkaroon ng pagkakataon ang mga Philippine Embassy officials para sumampa sa MT Stena Impero nitong July 19 kung saan nakausap nila ang nasabing Pinoy.

“(He) is in good health and in good spirits, and said that the captive crew are treated well and allowed free movement while inside the vessel for their normal duties,” bahagi ng DFA statement.

Pinapayagan din umano ang mga bihag na makagamit ng Internet anumang oras upang makausap ang kani-kanilang pamilya.

Sa ngayon ay gumagawa na raw ng paraan ang DFA para mapalaya ang Pinoy kasama ang iba pang crew.

Hinarang ng Iran ang Stena Impero noong Hulyo 19 na sinasabing ganti dahil naman sa pagkuha g Britain sa isang Iranian tanker, dalawang linggo bago ang insidente.