Ikwinento ng survivor na Pinoy seaferer ang pinagdaanan nila nang tumama ang missile ng Houthi rebels sa kanilang barko habang nasa Gulf of Aden noong Marso 6.
Ayon kay Harry Dupa, isa sa mga Filipino seafarer na nakaligtas sa pag-atake at kabilang sa mga dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Martes, napakalakas ng pagsabog ng tinamaan ng missile ang kanilang barko kung kaya’t pansamantalang nawalan ng pandinig ang ilan sa mga Filipino seafarers.
Ayon kay Dupa, kumakain sila sa dining room ng M/V True Confidence nang magkaroon ng malakas na pagsabog sa labas ng barko.
Nalaman ng mga ito ang pag-atake ng missile ng Houthi group matapos lamunin na ng apoy ang isang bahagi ng barko.
Kayat agad nilang sinunod ang utoa ng kapitan ng barko na abandonahin ito.
Nang mangyari ang insidente, hindi nila alam na dalawa sa kapwa nila Filipino seafarer ang malubhang nasugatan at kalaunan ay namatay. Dalawang iba pa ay nagpapagaling pa sa Djibouti hospital.