-- Advertisements --

MANILA – Napili bilang official footwear sponsor ng 69th Miss Universe ang Pinoy shoe entrepreneur na si Jojo Bragais.

“All of our delegates walk with purpose, strength and in their own unique stride. Presenting the official footwear sponsor of the 69th MISS UNIVERSE competition Jojo Bragais, who empowers women to “Walk. Win.” 👑,” ayon sa Facebook post ng Miss Universe organization.

Kung maaalala, parte ng team ni Miss Universe 2018 Catriona Gray si Bragais.

Siya rin ang official shoe provider ng Binibining Pilipinas mula noong 2015.

Bukod sa mga beauty queens, ilang sikat na personalidad na rin ang nagsuot ng mga obrang sapatos ni Bragais tulad ng American supermodel na si Tyra Banks, Spice Girl member Mel B, at popstar na si Dua Lipa.

Kabilang din sa mga napiling official sponsor ng engrandeng beauty contest ang Pinay na Olivia Quido-Co na para naman sa skincare ng mga kandidata.

Sa May 16 (May 17 sa Pilipinas) gaganapin ang coronation night 69th Miss Universe pageant, na gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino, Florida sa Amerika.