-- Advertisements --
Italy OFW COVID Coronavirus Chinese

DAGUPAN CITY – Nagkakaroon na umano ng diskriminasyon sa bansang Italy kung saan naging maselan ang ilang mamamayan doon kapag sila ay nakakakita ng Chinese dahil sa pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa katunayan, sa na-ipost na video ni Bombo correspondent Susana Sevilla, tubong Barangay Inamotan, Manaoag, at kasalukuyang nagtratrabaho sa Roma, Italy, nasaksihan nito ang isang insidente sa loob ng isang supermarket kung saan sinuntok ng isang Italyano ang isang Pinoy na napagkamalan niyang Chinese.

Napamura umano ang Pilipino na hindi siya Chinese kundi Pilipino.

Samantala, sinabi ni Sevilla na ipinasara na ng pamahalaang Italy ang mga negosyo ng mga Chinese sa takot sa COVID.

ofw italian brawl

Sa usapin namang face mask, maselan ang mga tao doon at ayaw nilang bumili ng face mask na “made in China” kundi made in Germany.

Sinabi pa niya, hindi pa natatapos ang winter season sa nasabing bansa kaya’t nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

OFW Italy corres
Ms. Susana Sevilla in Italy

Pero umaasa sila na kung matapos na ang winter ay maiibsan na o tuluyang matigil na ang pagkalat ng deadly virus.

Nabatid na wala pa ring pasok ang mga estudyante at ipinagbabawal din ng gobyerno ang mga malaking pagtitipon.

Sa ngayon ay mahigpit na pinag-iingat ng Philippine embassy ang Filipino community para sa kanilang kaligtasan.