Sinasamantala ni Filipino skiier Asa Miller ang pagsasagawa ng ensayo habang hindi pa nagsisimula ang mga laro kung saan ito lalahok sa 2022 Winter Olympics sa Beijing China.
Nakatapos na ito ng isang full routine training nitong Linggo ang kaniyang ika-limang ensayo mula ng dumating sa Yanquing, China noong nakaraang linggo.
Sinabi ng 21-anyos na si Miller na naging maganda ang takbo ng kaniyang ensayo dahil wala na itong naramdamang anumang pananakit sa katawan.
Sa height kasi nito na 5-foot-8 ay isang hamon sa kaniya ang alpine skiing.
Isa ring naging problema dito ay hindi gaanong nag-yeyelo sa Beijing kaya kinailangan pa ng mga organizers na gumawa ng snow mula sa kanilang snowmaking equipment.
Magsisimula kasi ang pagsabak ng Portland-based at nag-iisang pambato ng bansa sa nasabing torneo sa darating na Pebrero 13.