-- Advertisements --

Nakahanda nang humarap si Filipino MMA fighter Jeremy “The Juggernaut” Pacatiw sa kaniyang karibal na si Enkh-Orgil Baatarkhuu.

Nakatakda ang laban sa pagitan ng dalawa sa Marso-8 sa Lumpinee Stadium in Bangkok, Thailand.

Dapat ay makakaharap ni Pacatiw ang Russian MMA fighter na si Ibragim Dauev nitong nakalipas na lingo ngunit hindi ito natuloy dahil sa weight difference sa pagitan ng dalawang fighter.

Kinalaunan, napagkasunduan ng One Championship na pagharapin sina Pacatiw at Baatarkhuu sa unang lingo ng Marso.

Ayon kay Pacatiw, bagaman hindi natuloy ang kaniyang unang laban nitong nakalipas na lingo, ikinukunsidera pa rin niyang ‘perfect timing’ ang magiging laban niya.

Napanatili aniya ng kaniyang kampo ang kaniyang kahandaan para sa anumang laban, bago pa man inanunsyo na haharapin niya ang Mongolian fighter.

Ayon pa kay Pacatiw, bagaman ikinukunsidera niya si Baatarkhuu bilang isang malakas na kalaban, tiniyak ng Pinoy fighter na ibibigay niya ang lahat ng kakayahan para pataubin ang 36 anyos na kickboxer