-- Advertisements --
Notre Dame cathedral Paris 2019
File photo Notre dame Cathedral

TUGUEGARAO CITY-Pinuna ng isang Pinoy student sa Paris, France ang mabilis na pagbibigay ng donasyon ng malalaking kumpanya para sa reconstruction ng nasunog na Notre Dame Cathderal.

Sinabi ni Seyra Rico,nakakalungkot umano dahil sa mahigit 100,000 ang homeless sa France na dapat na unang pinagtutuunan ng pansin sa halip na ang muling pagpapatayo ng nasabing simbahan.

Bukod dito,sinabi ni Rico na bumubuhos ang donasyon para sa nasabing simbahan habang hindi pinapansin ang Al Aqsa mosque sa Jerusalem na nasunog din.

Ayon sa kanya, mas malayong mas matanda ang nasabing mosque na 984 years old kumpara sa Notre Dame Cathedral na 856 years old.

Sinabi niya na isa ang Al Aqsa mosque sa Jurusalem ang ikatlong holiest site sa Islam.

Magkasabay na nasunog ang nasabing mosque at ang Notre Dame cathedral noong April 15,2019.