Sugatan ang isang Pilipino sa rocket attacks sa Tripoli, Libya ayon sa Philippine embassy.
Ayon kay Embassy Charge d’Affaires Elmer Cato, tumama ang rocket attack sa lugar kung saan naroroon ang nasa mahigit 200 Pilipino.
Sinabi ni Cato na ang Pilipinong nagtamo ng sugat sa nangyaring pag-atake ay nakatira sa isang bahay na tinamaan ng ilang rockets na bumagsak sa Tripoli bago pa man sumapit ang hating gabi nitong araw.
“Several residential areas in Tripoli were hit by a rocket barrage a few minutes ago. This is the first time Tripoli proper was targeted since the fighting here began. The explosions were felt by many of our kababayan here in the capital,” ani Cato,
Pinayuhan naman din nito ang mga Pilipinong nasa Tripoli pa rin hanggang sa ngayon na manatili na lamang sa loob ng kanikanilang mga bahay, o lumipat sa mas ligtas na lokasyon, o magkusa nang lumapit sa pamahalaan para sa kanilang repatriation papuntang Pilipinas.