-- Advertisements --

Binigyan ng pagkilala ng Pierre de Coubertin Act of Fair Play award ng International Olympic Committee si Filipino surfer Roger Casugay.

Ito ay dahil sa papuring natamo niya ng iligtas ang Indonesian competitor na si Arip Nurhidayat noong 2019 Southeast Asian Games sa bansa.

Magugunitang inuna ni Casugay na iligtas ang Indonesian surfer na muntik ng malunod.

Dahil sa pangyayari ay pinapurihan si Casugay sa buong mundo.

Ang Pierre de Coubertin Act of Fair Play award ay ibinbigay sa mga atleta na nagpapakita ng spirit of sportsmanship sa Olympic events.

Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC) na si Casugay lamang ang unang Filipino na nabigyan ng nasabing parangal.