Natapos na ang kampanya sa 2024 Paris Olympics si Pinoy swimmer Jarod Hatch.
Sa pagsabak nito sa Paris La Defense Arena ay nagtapos ito ng kabuuang 36th place sa kabuuang 40 swimmers ng men’s 100 meters butterfly heats na mayroong kabuuang oras na 54.66 seconds.
Nagtapos siya sa pang-huli sa walong swimmers sa Heat 2 kaya bigo ito ng makausad sa semifinals na mayroon lamang 16 swimmers lamang ang pasok.
Nagkulang lamang ito ng dalawang segundo para higitan niya ang 52.87 seconds na kaniyang record noong nakaraang taon na naitala sa World Aquatics Championship sa Fukoka, Japan.
Nanguna sa kumpetisyon si Kristof Milak ng Hungary na mayroong 50.19 segundo na sinundan ni Josh Liendo ng Canada na mayroong 50.55, Noe Ponti ng Switzerland na mayroong 50.65, Maxine Grousset ng France na mayroong 50.65 at Ilya Kharin ng Canada na mayroong 50.71 segundo.
Nagtapos naman sa pang-anim na puwesto ang kasalukuyang Olympic champion na si Caeleb Dressel ng US na sa heats na mayroong oras na 50.83 segundo.