-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng grupo ng mga panadero ang pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang “Pinoy Tasty: at “Pinoy Pandesal”.

Mayroon kasing P40.50 ang presyo ng Pinoy Tasty mula sa dating P38.50 kada balot hbang ang Pinoy Pandesal ay nasa P25.00 kada balot na mayroong P1.50 ang pagtaas.

Ang nasabing dagdag presyo isang linggo matapos na ianunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong suggested retail price.

Sinabi ni Christopher Ah, Executive Vice President of Filipino-Chinese Bakery Association, Inc., na ang mga raw materials na sangkap sa paggawa ng mga tinapay ay tumaas ng mula 25 hanggang 30 percent.

Depensa pa nito na ang pagtaas ay minimal lamang at kahit na may bagong suggested retail price ay may ilang bakeries aniya ang nagpasyang itigil muna ang paggawa ng Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal dahil sa taas ng presyo ng mga sangkap na paggawa.