-- Advertisements --

Nagkaharap kanina sa final press conference sina WBC featherweight world champion Gary Russell Jr at ang wala pang talo at top Pinoy challenger na si Mark “Magnifico” Magsayo bago ang big fight sa Linggo. 

Ginanap ang harapan ng dalawa sa Borgata Hotel Casino & Spa sa Atlantic City sa New Jersey. 

Ipinagmalaki ni Magsayo na siya ang magpapatikim sa ikalawang talo ng kampeon mula sa Amerika. 

Si Russeli na 33-anyos na at may record na 31 wins, 18 knockouts at isa pa lamang ang talo, ay pinapaboran ng mga eksperto na mapapanatili pa rin ang korona.

Si Russell ay kinikilalang longest-reigning champion at idedepensa ang korona sa ika-anim na pagkakataon. 

Para naman sa 26-anyos na si Magsayo na isang protégé ni Senator Manny Pacquiao, ay merong record na 23 panalo at 16 knockouts sa kanyang career. 

Si Magsayo na nagmula sa Tagbilaran, Bohol ay kinilala ang isa sa kanyang laban noong nakaraang taon bilang “knockout of the year” ng Premiere Boxing Champions.