-- Advertisements --

Handang-handa na ngayong sasabak ang koponan ng Pilipinas sa 2025 Asia Triathlon Sprint Championship sa bansang Hongkong.

Hindi bababa sa 6 Pinoy ang lalahok sa Individual Sprint Elite Men at Women events na gaganapin ngayong Sabado Abril 5, habang ang Mixed Relay naman sa araw ng Linggo, Abril 6.

Kinabibilangan ito ng tatlong Cebuano triathletes na sina Andrew Kim Remolino, Raven Faith Alcoseba, at Matthew Justine Hermosa.

Bubuo naman sa team sina Erika Burgos, Samantha Corpuz, at Dayshaun Ramos.

Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay national triathlon coach Roland Remolino, ibinahagi nito na inaasahan na nila ang mga malalakas na kalaban mula sa ibang bansa gaya ng Japan at China ngunit gagawin pa aniya nila ang kanilang makakaya dahil isa rin itong paghahanda para sa Southeast Asian (SEA) Games ngayong Disyembre.

Sinabi ni Remolino na makikita pa aniya nila kung saan sila ngayon lulugar para sa naturang kompetisyon.

Aminado naman ito na pimalaking hamon para sa koponan ay ang malamig na klima sa nasabing bansa.

Sa kabila ng mga ito, idinagdag niya na nandun na sila para magrepresenta sa bansa kaya ibibigay nila ang lahat sa kumpetisyon dahil magandang positioning para sa SEA GAMEES at balak pa rin nilang magkampeon nito.

Dagdag pa niya na pagbalik nila sa Pilipinas pagkatapos ng kumpetisyon ay magtungo naman ang mga student-athletes sa Tuguegarao para sa national Private Schools Athletic Association.