-- Advertisements --

Pasok ang lutong Pinoy na sinigang sa 100 Best Dishes in the World ng Taste Atlas.

Ayon sa website ng Taste Atlas na nasa pang-97 ang ranking ng nasabing ulam.

Ito na ang pinakamataas na rating ng nasabing ulam mula sa mahigit 395,000 na user ratings.

Inilarawan ng Taste Atlas na ang sinigang ay sumasang-ayon sa init ng Pilipinas kung saan ito ay may kakaibang lasa.

Iniluluto ang sinigang maging baboy, hipon o bangus kasama ang kamatis, string beans, kangkong, bawang at sibuyas at iba pang gulay.