-- Advertisements --

Nagtala ng record si Raphael Trinidad bilang kauna-unahang umabot sa pangalawang puwesto sa cable wakeboarding rankings.

Siya lamang kasi ang unang Filipino na umabot ng ganoong kataas na rankings.

Nakuha ng Cebuano wakeboarder ang silver medal sa IWWF World Cable Wakeboard Championship noong nakaraang taon.

Sa nasabing torneo ay nakuha ni Lior Sofer ng Israel ang kampeonato.

Naging maganda ang taong 2020 para kay Trinidad dahil nakuha nito ang dalawang unang puwesto at dalawang ikalawang puwesto sa IWWF online competition series.

Magugunitang nakakuha ng silver medal ang 19-anyos na si Trinidad sa 2019 Southeast Asian Games.