-- Advertisements --
Tripoli, Libya (photo from Wiki)

Aminado ang Department of Foreign Affairs (DFA) na malaking hamon pa rin sa kanilang hanay na kumbinsihin ang mga Pinoy sa Libya na umuwi ng bansa.

Ito’y sa gitna ng lumala pang tensyon ng civil war malapit sa capital city na Tripoli.

Sa isang panayam sinabi ni DFA Usec. Elmer Cato na pahirapan ang kanilang pagkumbinse sa mga Pinoy doon dahil karamihan daw sa mga ito ay beterano na sa mga nakaraang digmaan sa Libya.

Sa ngayon nasa 40 Pilipino na raw ang nagpasaklolo sa repatriation program ng pamahalaan.

Pero maliit na bilang pa rin ito kumpara sa halos 1,000 na populasyon ng mga Pinoy sa Tripoli.