-- Advertisements --

Aminado si Pinoy weightlifter John Ceniza na nahaharap ito sa malaking hamon sa pagsabak niya sa Paris Olympics.

Marami kasi ang nakatingala sa kaniya na dapat ay sundan ang yapak ni Hidilyn Diaz na siyang nagdala ng unang gintong medalya noong Tokyo Olympics.

Sasabak si Ceniza ngayong Miyerkules ng alas-9 ng gabi para sa 61-kilogram events sa South Paris Arena.

Ang 26-anyos na lifter mula sa Cebu ay nakapasok sa Olympics matapos na makuha ang pang-limang puesto ng International Weightlifting Federation (IWF) Olympic rankings.

Sa loob ng isang buwan ay nag-training sa Ceniza sa Metz, France at Germany kasama ang dalawa pang Pinay weightlifter na sina Elreen Ando at Vanessa Sarno.

Sasabak si Ando sa 59 kgs. event sa Agosto 8 ng alas-9 ng gabi habang si Sarno ay sa Agosto 10 ng ala-1 ng madaling araw para sa 71 kg. event.