-- Advertisements --

Abanse na sa finals ng Men’s 400-meters T52 ng Paralympics si Pinoy wheelchair racer Jerrold Mangliwan.

Ito ay dahil sa nagtapos siya sa pang-apat na puwesto sa kaniyang heat sa oras na 1:05.79 sa Stade de France.

Gaganapin naman ang finals ng madaling araw ng Sabado, Agosto 31.

Samantala , nabigo naman si para archer Agustina Bantiloc matapos na talunin nis Jane Karla Gogel ng Brazil sa score na 127-143 sa women’s individual compound open-round of 16.