-- Advertisements --
Nagtapos sa pang-walo at huling puwesto si Filipino wheelchair racer Jerrold Mangliwan sa men’s T52 finals ng Paris Paralympics.
Nagtala ito ng 1 minuto at 4.55 segundo sa laro na ginanap nitong madaling araw ng Sabado.
Nanguna naman si Maxime Carabin ng Belgium na nakakuha ng ginto sa oras na 55.10 segundo.
Dahi dito ay nakuha ni Carabin ang trono kay Tomoki Sato ng Japan na nagwagi lamang ng silver na mayroong oras na 56.26 segundo.
Habang nakuha rin ng pambato ng Japan na si Tomoya Ito ang bronze medal ng magtala ng 1:01.08.
May tsansa pang makakuha ng medalya si Mangliwan kapag magtagumpay ito sa men’s 100 meter T52 sa darating na Setyembre 6.