-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nagpapatuloy pa rin ang maigting na labanan dahil sa nagaganap na civil war sa Libya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Levy Bermudez, tubong Baguio City at nagtatrabaho ngayon bilang nurse sa Benghazi, Libya na nagkaroon ng palitan ng putok, bombings at shellings sanhi para tamaan ang isang pagamutan kung saan nagtatrabaho ang 18 Pinoy nurse.
Sinabi ni Bermudes na wala namang nasugatan dahil nakapagtago kaagad ang mga kawani sa basement ng nasabing pagamutan.
Dahil aniya sa patuloy na palitan ng putok ng mga naglalabang paksiyon ay nagkaroon naman ng cross fire malapit sa tinitirhan ng mga pinoy kung saan isang Pinoy ang natamaan ng ligaw na bala na ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.